Hindi tinatalikuran ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pangakong dodoblehin ang suweldo ng mga guro.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sa ngayon ay paunti-unti muna ang pagbibigay ng umento sa mga guro sa pamamagitan ng Salary Standardization Law dahil naghahanap pa ng pondo ang pamahalaan para rito.
Tiniyak ni Panelo na darating ang panahon na matutupad ang pangako na madoble ang sahod ng mga guro kapag nakahanap na ng mapagkukunan ng pera.
Matatandaang sa ika-apat na SONA ng Pangulong Duterte ay hinimok nito ang kongreso na balangkasin na ang Salary Standardization Law para sa mga kawani ng gobyerno.