Hinamon ng isang Think-Tank Group na Infrawatch PH ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na pangalanan ang labindalawang kongresistang tumanggap ng mga kickback mula sa mga proyektong nasa ilalim ng Deparmtent of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Infrawatch PH Convenor Atty. Terry Ridon, hindi dapat magtago si PACC Commissioner Greco Beligca sa naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siya sa posisyon para pangalanan ang mga nasasangkot sa anomalya sa DPWH.
Giit ni Ridon, may pananagutan na ang pacc na isapubliko ang pangalan ng mga mambabatas na sangkot sa katiwalian sa sandaling matanggap na ng tanggapan ng pangulo ang ulat mula sa PACC.
Sa panig naman ni Justice Usec. Adrian Sugay, malalantad din naman sa publiko ang pangalan ng mga mambabatas na sangkot sa katiwalian sakaling makarating naman na sa tanggapan ng ombudsman ang ulat ng PACC dahil magiging public document na iyon.
Dapat aniyang malaman ng taumbayan bilang sila ang mga nagbabayad ng buwis sa pamahalaan kung sinu-sino ang mga walang budhing mambabatas na nakinabang sa kaban ng bayan na tinutukoy sa nasabing ulat.