Pinangalanan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 19 sa 49 na mga sundalong nasawi sa pagbagsak ng kanilang C-130 Hercules aircraft sa Sulu.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana, ang mga ito ay sina Maj. Emmanuel Makalintal; Maj. Michael Vincent Benolerao; 1st/Lt. Joseph Hintay; Tech/Sgt. Mark Anthony Agana; Tech/Sgt. Donald Badoy; Staff/Sgt. Jan Neil Macapaz; Staff/Sgt. Michael Bulalaque at Sgt. Jack Navaroo mula sa Philippine Air Force.
Nasawi rin sa panig ng Philippine Army sina Sgt. Butch Maestro; Pvt/1st Class Felixandry Provido; Pvt/1st Class Christopher Rollon; Pvt. Reymar Carmona; Pvt.Vic Morena; Pve.Mark Nash Lumanta; Pvt.Jomar Gabas; Pvt.Marcelino Alquisar at Pvt. Mel Mark Angana.
Gayundin sina Capt. Higello Emeterio mula sa AFP medical corps at 1st/lt. Sheena Alexandria Tato na mula naman sa AFP nurse corps.
Ayon kay Sobejana, patuloy pa ring inaalam ang pagkakakilanlan ng mga labi ng may 30 pang sundalo na lubhang nasunog ang katawan matapos ang trahedya.