Opisyal ng pinalitan ng Malakanyang ang pangalan ng Benham Rise.
Sa inilabas na EO o Executive Order 25 ng Palasyo, ang Benham ay tatawagin na ngayong ‘Philippine Rise’.
Magugunitang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 120th Anniversary ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City na nais niyang palitan ang pangalan ng Benham Rise.
Ang nabanggit na undersea plateau na may lawak na tatlong ektarya ay matatagpuan, dalawandaang kilometro silangan ng Isabela.
Sinasabing mayaman sa oil deposits ang nabanggit na karagatan na nais ding patayuan ni Pangulong Duterte sa Philippine Navy ng mga istruktura.
By Drew Nacino | With Report from Aileen Taliping