Iniba na rin ng World Health Organization (WHO) ang coronavirus variant na una nang na detect sa Pilipinas.
Ayon sa WHO ang P.3 ay pinalitan bilang “theta” para maiwasan na rin ang diskriminasyon sa mga bansa kung saan unang nadiskubre ang mga bagong variant ng coronavirus.
Magugunitang lunes nang i anunsyo ng WHO na ang mga letra sa Greek alphabet ang gagamitin para matukoy ang Variants Of Concern (VOC) at Varianst Of Interest (VOI).
Nilinaw ng who na ang mga label na ito ay hindi ipapalit sa kasalukuyang scientific names, halimbawa yung mga itinalaga ng GISAID, nextstrain at Pango na nagbibigay ng mahalagang scientific information at patuloy na gagamitin sa research.