Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na maglalabas rin sila ng pangalan ng mga nominado o kung sino ang uupong kinatawan sakaling manalo ang naibotong party-list group.
Ginawa ni Director James Jimenez, Spokesman ng Comelec ang pagtitiyak matapos nilang ilabas mga pangalan ng isandaan at tatlumpu’t apat (134) na party-list groups na opisyal na kalahok sa eleksyon.
Samantala, ikinakasa na rin aniya ng Comelec ang debate para sa mga senador sa sandaling magsimula ang official campaign period.
Pinaplantsa pa lamang aniya ang format dahil may kanya-kanyang panukala ang iba’t ibang media organizations.
Gayunman, ang sigurado aniya ay bibigyan nila ng pagkakataon ang animnapu’t pitong (67) opisyal na kandidato sa pagka-senador upang marinig ang kanilang mga posisyon sa iba’t ibang isyu.
—-