Iginiit ni Election Lawyer Atty. Romulo Macalintal na hindi pwedeng agad tanggalin ng Commission on Elections sa balota ang pangalan ng mga kandidatong na-disqualify.
Sinabi ni Atty. Macalintal, tila napaaga ang pag-iimprenta ng COMELEC sa mga balota.
Dahil dito, iminungkahi ng nasabing abogado sa poll body na dapat tiyakin muna na papanigan ng Korte Suprema at naaayon sa batas ang mga desisyon nito.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Atty. Macalintal na dapat ay kasama pa rin sa balota ang pangalan ng mga kandidatong may nakabinbin pang mga kaso sa Korte Suprema. - sa panulat ni John Riz Calata