Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang local government official na naunang magpabakuna kahit hindi naman kasama ang mga ito sa priority list.
Sa kanyang ulat sa bayan, sinabi ni Pangulong Duterte , unang nagpabakuna ang mga Alkalde kahit na wala sa listahan ng babakunahan kontra COVID-19 ng gobyerno.
Una nang inihain ng Department of Interior and Local Government ng show-cause order ang mga Alkaldeng sumingit at lumabag sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Number 1 dito is Mayor Alfred Romualdez of Tacloban City, , Mayor Dibu Tuan of T’boli of South Cotabato, Mayor Sulpicio Villalobos of Sto. Niño of South Cotabato, Mayor Noel Rosal ng Legazpi City in Albay at Mayor Abraham Ibba of Bataraza sa Palawan,”pagsisiwalat ng Pangulong Duterte.
Bukod dito, sinabi ng Pangulo na mayroong gray area ang rason ng mga Alkaldeng naunang magpabakuna kontra COVID-19.
Ang sabi nila, ang rason nila, I think universal excuse, na para hindi matakot ‘yung mga constituents. Ako, medyo gray area ‘yan na dapat talaga una ‘yung mga…whether or not they jumped the COVID-19 line of vaccination, would require a certain amount of legal study,”pahayag ng Pangulo.— sa panulat ni Rashid Locsin.