Posibleng masundan pa ang pasabog ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga heneral na sangkot din sa operasyon ng iligal na droga.
Ito ang ipinahiwatig ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa dahil sa mayroon din itong pinagkukunan ng impormasyon maliban pa sa kaniya.
Pagtitiyak ni dela Rosa, dumaan sa tamang pagbusisi ang lahat ng mga impormasyong ibinibigay sa Pangulo.
NCRPO
Samantala, aabot sa 30 tauhan ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang ipinatapon sa Mindanao.
Ito ang kinumpirma ng NCRPO habang iniimbestigahan ang mga ito sa pagkakasangkot nila sa iligal na mga gawain.
Ayon sa bagong NCRPO Director na si C/Supt. Oscar Albayalde, kasalukuyang may kinakaharap na reklamo ang mga naturang pulis sa PNP Internal Affairs Office kaya’t ililipat muna sila ng destino.
Kabilang sa mga lugar kung saan ipatatapon ang mga naturang pulis ay sa mga lugar kung saan pinaniniwalaang nagkukuta ang mga bandidong Abu Sayyaf.
By Jaymark Dagala