Pinag-aaralan ng World Health Organization (WHO) na palitan ang pangalan ng monkeypox virus para mabawasan ang stigmatizing designation sa naturang sakit.
Magugunitang kamakailan ay naiulat sa Brazil ang pag-atake sa mga unggoy dahil sa takot na makakuha ng sakit.
Ayon kay WHO Spokesperson Fadela Chaib, nais nilang humanap ng pangalan na hindi nakakabahala para sa publiko.
Pinangalanan itong monkeypox makaraang matukoy ang virus sa unggoy sa Denmark nuong 1958 na nakita rin sa ibang hayop.
Unang nadiskubre ang naturang virus nuong 1970 sa Democratic Republic of Congo partikular sa West at Central Africa. – sa panulat ni Hannah Oledan