Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na malabo nang maalis ang pangalan ni presidential candidate Grace Poe sa opisyal na balota na patuloy na iniimprenta ng COMELEC.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, ito’y kahit na pumabor pa ang Korte Suprema sa naunang disqualification cases na isinampa ng poll body kontra sa pagtakbo ni Poe sa pampanguluhang halalan.
Sa katunayan, sinabi ni Bautista na hindi napag-uusapan ang naturang isyu sa mga naging pagpupulong ng COMELEC En Banc.
Binigyang diin ni Bautista na sakali namang magdesisyon ang Korte Suprema na tuluyan nang i-diskwalipika si Poe, mabibilang pa rin naman ang boto nito pero ibubukod din at mawawalan ng saysay.
By Meann Tanbio | Allan Francisco