Muli na namang binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang media outlets tulad ng ABS-CBN dahil sa anito’y hindi patas na pagbabalita sa publiko.
Sa kaniyang talumpati sa ika-120 anibersaryo ng DOJ o Department of Justice kahapon, nagkamali pa ang Pangulo nang murahin nito ang isang Gabby Concepcion gayung ang pinatutungkulan nito ay si ABS-CBN Chairman Gabby Lopez.
Ayon sa Pangulo, labis niyang ikinasama ng loob na tila ipinagpalit pa ng nasabing broadcast giant ang propagandang ipinasok ni Senador Antonio Trillanes IV laban sa kaniya gayung mayroon siyang ipinasok na advertisement dito.
Ulat ni Jopel Pelenio