Pinahihintulutan na ng European Union (EU) ang Japanese Pharmaceutical Company na Takeda hinggil sa pagbibigay ng kanilang Dengue Fever Vaccine.
Ito na ang pangalawang bakuna na inaprubahan ng EU na pumipigil sa pagdami ng kaso ng sakit na dengue.
Ayon sa TAKEDA Pharmaceutical, ang kanilang vaccine na ibinebenta bilang QDENGA ay nabigyan ng approval ng European Commission nito lamang Huwebes para sa mga edad apat pataas.
Kaugnay nito, naaprubahan din ang QDENGA sa Indonesia kamakailan para sa mga anim na taong gulang pataas. —sa panulat ni Hannah Oledan