Target ng Dost o Department of Science and Technology na mailunsad ang pangalawang microsatellite ng Pillipinas na Diwata 2 sa Hunyo ng susunod na taon.
Ayon kay DOST Head for Advanced Science and Technology Institute Dr. Joseph Joel Marciano Jr., nagpapatuloy pa ang pag-buo sa Diwata 2 at posibleng matapos ito sa Abril 2018.
Sinabi pa ni Marciano na ang ilang bahagi ng Diwata 2 ay dinidesenyo dito sa bansa at saka binubuo sa ng mga katuwang ng ahensya sa Japan.
Ang Diwata 2 ay ginawa kasunod ng Diwata 1, ang kaunaunahang Filipino microsatellite na inilunsad sa kalawakan noong Abril 27 nang nakaraang taon.