Pinayapa ng Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa napaulat na pneumonic plague sa China.
Ayon kay Health secretary Francisco Duque, walang dapat ikabahala sa panibagong pesteng sakit dahil nagagamot naman ito.
Batay sa paliwanag ng World Health Organization (WHO), ang pneumonic plague ay matinding klase ng virus sa baga na maaaring ikamatay ng tao kung hindi agad magagamot.
Dalawa katao na ang natuklasang may pneumonic plague sa Beijing at kasalukuyan nang naka-quarantine sa Chinese Center for Disease Control and Prevention.