Pinawi ng DOH o Department of Health ang pangamba ng mga HIV patients na kulang ang supply ng ART o Antiterovial Theraphy Drugs sa bansa.
Ito ay pagkatapos lumabas ang pahayag ni Anakalusugan Representative Mike Defensor na nauubusan na ng supply ng naturang gamot ang ahensya.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sapat para sa dalawang buwan ang supply ng gamot na mayroon sila.
Aniya, ibinabahagi nila sa iba’t ibang lugar ang ART drug na kinukuha sa mga lugar na mataas ang supply o maraming stocks.
Hanggang sa ngayon ay naalarma pa rin ng ahensya ang patuloy na pagtaas ng laso ng h-i-v sa bansa.