Tila malayo sa katotohanan ang pangamba ng CBCP na creeping dictatorship ang isinusulong na Charter Change ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque naiintindihan ng Palasyo ang sentimiyento ng mga obispo para mabago ang porma ng gobyerno subalit walang interes ang Pangulo na palawigin pa ang kaniyang termino o hindi ituloy ang eleksyon.
Malinaw aniya ang advocacy ng Pangulo na ipairal ang rule of law at sundin ang konstitusyon na kailangan na niyang bumaba sa puwesto sa June 30, 2022.
Una nang inihayag ng Pangulo na hindi niya tatapusin ang kaniyang termino sa sandaling mabago ang porma ng pamahalaan sa pamamagitan nang pag amiyenda sa saligang batas.