Pinawi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, ang pangamba ng publiko na baka makadagdag sa learning gap ng mga estudyante ang panukalang unti-unting pagbabalik sa dating school calendar.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni VP Duterte na ang bakasyon ng mga mag-aaral ang maaapektuhan sa nasabing panukala.
Dagdag pa ng bise presidente, nasa pitong araw lang ang mababawas sa number of school days dahil sa pagbabago.
Binigyang-diin din ni Secretary Duterte na malaki ang naging parte ng mga guro kaya’t nanguna ang DEPED na may pinakamataas na trust ratings mula sa OCTA Research survey.