Pinawi ng militar ang anumang pangamba ng karahasan sa ikalawang plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) bukas, Pebrero 6.
Ayon kay Col. Gerry Besana, spokesman ng Western Mindanao Command (Wesmincom), nakahanda ang militar sa anumang kaganapan at kasado na ang kanilang contingeny measures upang matiyak ang maayos na plebisito.
Kumbinsido si Besana na aabot rin sa mataas na porsyento ang lalabas bukas upang bumoto sa BOL tulad ng nangyari sa unang plebisito kung saan 90 percent ang turnout ng mga botante.
Samantala, nagpaliwanag si Besana sa video message ni Kumander Bravo ng MILF kung saan tila binabantaan nito ang mga hindi boboto sa eleksyon.
Sinabi ni Besana nagkaroon na ng joint meeting ang militar at Moro Islamic Liberation Front (MILF) kung saan pinuna na ang ginawa ni Bravo at pinapalitan ito ng ibang video.
—-