Pinawi ng Department of Tourism ang pangamba ng mga dayuhang magtutungo sa Pilipinas sa pina-igting na kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.
Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, walang dapat ipangamba ang mga dayuhan kung hindi naman sila sangkot sa kahit anong iligal na aktibidad.
Ipinarating ito ni Teo sa mga ambassadors na kabilang sa European Union nang mag-courtesy call ito sa kanyang tanggapan.
Kumpisyansa si Teo na maaabot nila ang target na 6 na milyong turista ngayong taon dahil naka-tatlong milyon na sila sa unang anim na buwan pa lamang ng taong ito.
By Len Aguirre