Tiniyak ni Senate Committee on Agriculture Chairman Cynthia Villar na hindi babahain ang bansa ng mga imported na bigas kasunod ng pagsasabatas ng Rice Tariffication Bill.
Ayon kay Villar, magiging limitado pa rin ang pag-aangkat ng bigas ng bansa dahil maliban sa ipapataw nang tatlumpu’t lima hanggang limampung porsyentong taripa sa mga imported rice.
Hindi rin aniya lahat ng bansa sa buong mundo ay producer ng bigas.
Una nang nagpahayag ng pangamba ang ilang grupo ng mga magsasaka sa posibilidad na malugi sila bunsod ng pagbaha ng mga imported na bigas sa bansa kasunod ng paglagda ng Pangulo sa Rice Tariffication Bill.
May tariff po iyan, and at the same time, I want to sell them. Limited lang po ang ating maiimport na rice. Hindi unlimited ang supply ng imported rice. Pahayag ni Villar
Samantala, sinabi naman ni SINAG o Samahang Industriya ng Agrikultura President Rosendo So, maiging maipaliwanag sa publiko ang kahalagahan ng paglalagay ng taripa sa bigas.
Binigyang diin pa ni So, mas makakabuti sa magsasaka ang batas dahil sa inilagay na taripa sa pag-aangkat ng imported rice.
Kung may tariff na makokolekta, may rice enhancement fund , na mapuounta ito sa sector ng rice farmers, may protection ang magsasaka natin ngayon. Paliwanag ni So