Pinawi ng isang health expert ang pangamba ng publiko kaugnay sa bagong variant ng COVID-19 na Delta plus.
Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, Infectious Disease Specialist, batay sa kanilang obserbasyon, hindi mabilis makahawa ang Delta plus hindi tulad sa Delta variant.
Gayunman sinabi ni Salvaña na bagama’t hindi dapat ikabahala ang bagong variant ay kailangan pa rin itong pag-aralan.
Dagdag pa ng eksperto, dapat pa rin magpatuloy ang lahat ng ginagawang mga pag-iingat at hakbang para maiwasan ang pagkalat ng Delta variant sa bansa.
Naitala sa UK at Israel ang bagong mutation ng Delta variant na Delta plus o ang AY.4.2