Pinawi ng Malacañang ang pangamba ng publiko na nakamamatay na kaso ng dengue na ang posibleng tumama sa mga nabakunahan ng dengvaxia vaccine na hindi pa kailanman tinamaan ng nasabing sakit.
Sa presscon sa Malacañang, sinabi ni Presidential Harry Roque na meron nang bagong classification ang dengue na tinukoy bilang mild, severe at deadly o nakamamatay.
Iginiit ni Roque, ang tinukoy ng manufacturer na Sanofi Pasteur ay severe dengue at hindi ang deadly stage ng dengue.
“Yung pinakamalala po na pupuwedeng mangyari sang-ayon sa bagong pag-aaral mismo ng Sanofi ay yaong mga hindi pa nagkaka-dengue na isa lamang sa sampu ay pupuwedeng magka-dengue na sa ating classification dati ay mild lamang, dahil merong lagnat at mga pasa, hindi po yung severe na nakamamatay, pero ang kapalit naman po nun ay proteksyon doon sa 9 out of 10 na nagka-dengue na from acquiring what could be not just serious but possibly a deadly stage of dengue.” Ani Roque
Sinuportahan naman ito ni Department of Health Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy at ipinaliwanag ang batayan ng Sanofi Pasteur.
“The severe that was being identified by Sanofi is totally different with our severe classification that is being used currently together with WHO, so why are they using different classification, hindi kasi nila puwedeng baguhin bigla ang kanilang classification din in the course of noong buhat na mag-umpisa sila ng trial na ito which was like 20 years ago.” Pahayag ni Roque
Taliwas ito sa sinasabi ni VACC Chairman Dante Jimenez na may tatlong kaso pagkamatay ang naitala matapos umanong mabakunahan ng dengvaxia.
—-