Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng publiko na kumalat ang sakit na Japanese Encephalitis gaya ng Dengue.
Ayon kay Health Spokesman at Assistant-Secretary Eric Tayag, hindi naman mga tao ang karaniwang kinakagat ng mga lamok na nagdadala ng Japanese Encephalitis bagkus ay mga hayop gaya ng baboy.
Mas tinututukan anya ng D.O.H. ang mga agricultural area sa Regions 1, 3, 7, 11 maging ang Cordillera kung saan higit na bantad ang mga farm animal sa nabanggit na mosquito-borne disease.
Hinahanap anya ng mga lamok na may dalang Japanese Encephalitis ang maruming tubig sa paligid ng mga palayan kaya’t maliit din ang tsana na makakagat ng tao ang mga nasabing insekto.
Ibinabala naman ni Tayag na mas dapat pa ring mag-ingat ang publiko sa Dengue.
Mga kaso ng Japanese Encephalitis umabot na sa 133 ayon sa DOH mula Enero
Umabot na sa 133 ang kumpirmadong kaso ng Japanese Encephalitis ang naitala ng Department of Health simula noong Enero.
Ayon sa Department of Health, sa naturang bilang, siyam na ang namatay at pinaka-marami ang naitala sa Pampanga na apat; tig-isa naman sa mga lalawigan ng Pangasinan, Laguna, Nueva Ecija at dalawa sa Zambales.
Pinaka-maraming naitalang kaso ng naturang sakit sa Central Luzon o Region 3.
Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Gerard Bayugo na ang Japanese Encephalitis ay naisasalin sa kagat ng ‘culex’ mosquito na maaaring makuha ang virus mula sa baboy.
Kadalasang nangangagat tuwing gabi at sa malalamig na lugar ang nasabing lamok at hindi lahat ng nakakagat nito ay nagkakaroon ng Japanese Encephalitis.
By: Drew Nacino /Aya Yupangco
SMW: RPE