Inihayag ng Department of Health (DOH) na walang rason upang mataranta ang publiko sa pagkakatuklas ng Omicron variant sa Pilipinas.
Gayunman, ipinaalala ng DOH sa mga tao na huwag maging kampante sa pagsunod sa health protocols.
Ayon kay DOH Spokesperson, Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi dapat mag-panic at matakot ang publiko bagkus ay dapat maging mas maingat.
Hinikayat din ni Vergeire ang mga mamamayan na agad magpabakuna laban sa COVID-19.
Nito lamang Miyerkules ay dalawang kaso ng Omicron variant ang naitala ng DOH sa dalawang biyahero mula Japan at Nigeria.