Pinawi ng World Health Organization ang pangamba at takot ng publiko dahil sa panibagong virus na Omicron variant.
Nabatid na mas mabilis na nakakahawa ang panibagong variant na unang nadiskubre sa South Africa. Kung saan, hindi nagpapakita ng mas malalang sintomas ang Omicron variant kumpara sa mga naunang strain ng COVID-19
Ayon kay WHO Emergencies Director Michael Ryan, kayang labanan ng mga bakuna kontra COVID-19 ang Omicron variant kaya’t walang dapat na ikabahala ang publiko. —sa panulat ni Angelica Doctolero