Pinawi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangamba ng publiko sa posibleng pagpapatupad ng mala-martial law na lockdown dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, walang dapat ipangamba ang publiko sa paghihigpit sa umiiral na enhanced community quarantine sa tulong ng militar.
Ani Arevalo, ang mga sundalo ngayon ay higit na alam na dapat mamayani ang karapatang pantao.
Sa katunayan aniya ay nasubok na rin ng pagkakataon ang hanay ng sundalo noong nadeklara ng martial law sa Mindanao.
Sinabi ni Arevalo na wala naman noon napaulat na nasangkot ang mga sundalo sa paglabag sa karapatang pantaon ng mga residente roon.