Nilinaw ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Risa Hontiveros na walang terminong “masturbation” at “try different sexuality” sa panukalang batas sa Senado na naglalayong maprotektahan ang mga kabataang sa dumaraming bilang ng maagang pagbubuntis.
Ito ang tugon ni Senador Hontiveros sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nagsasabing nagulat ito ng mabasa ang nilalaman ng Senate Bill 1979 of Prevention of Adolescent Pregnancies.
Gayunman, sinabi ng mambabatas na bukas siya sa pag-amyenda sa nasabing panukala.
Nabatid na, nangako ang Pangulo sa mga magulang at mga guro na agarang ive-veto ang panukalang batas kapag hindi ito naamyendahan. Sa panulat ni John Riz Calata mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)