Pinawi ng Malacañang ang mga pangamba kaugnay sa pagkaka-ugnay ng dalawang Chinese contractors na blacklisted ng World Bank sa rebuilding ng Marawi City.
Taong 2009 nang ma-blacklist ng World Bank ang China State Construction Engineering Corporation at China Geo Engineering Corporation, dalawang kumpanya sa ilalim ng Bangon Marawi Corporation dahil sa pakikipag-sabwatan sa local companies sa anomalya sa bidding ng road projects.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque naparusahan na ng World Bank ang mga naturang kumpanya kaya’t dapat na bigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga ito.
Hindi naman aniya batid ng Pangulong Rodrigo Duterte na una nang na blacklisted ang mga nasabing Chinese contractors.
Una nang ipinabatid ng Task Force Bangon Marawi na nakatutok sa rehabilitation process at burado na sa blacklist ng World Bank ang mga nasabing Chinese contractors matapos pagsilbihan ang kanilang suspensyon noong 2014 at 2015.
—-