Muling pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba laban sa negatibong epekto ng bakuna kontra dengue.
Sa harap ito ng pagdami ng kaso ng mga nakaranas ng side effects matapos magpabakuna kontra sa dengue at pagkamatay ng 11 taong gulang na bata sa Bagac Bataan noong April 11.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, Spokesman ng DOH, nagkataon lamang ang pagkamatay ng bata ilang araw matapos itong mabakunahan ng kontra dengue.
Bahagi ng pahayag ni DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy
Samantala, umabot na sa 362 ang naitala ng DOH na nakaranas ng side effects matapos mabigyan ng dengvaxia vaccine.
Kabilang sa kanilang mga naranasan ang pananakit ng ulo, pagkahilo, pagsusuka, pagkakaroon ng rashes at pagkakaroon ng lagnat.
Ayon kay Dr. Lee Suy, maliit na porsyento lamang naman ang nakaranas ng side effects dahil umaabot na mahigit sa 200,000 ang nabigyan nila ng bakuna sa 3 rehiyon sa bansa.
Bahagi ng pahayag ni DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy
By Len Aguirre | Ratsada Balita