May pangamba ang isang political analyst sa isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na Pederal ang ipalit na uri ng gobyerno sa bansa.
Ayon kay Professor Antonio Contreras, posible kasing muling mamayagpag ang political warlords at dynasties sa ilalim ng Pederalismo.
Ito ay dahil sa makukuha ng mga lokal na pamahalaan ang malaking pondo at kapangyarihan ng pamahalaan sa pamamalakad ng isang estado.
Maliban dito, nangangamba rin si Contreras sa posibleng hindi pantay na pag-unlad na kahinatnan ng paghahati-hati sa bansa bilang mga estado.
Bahagi ng pahayag ni Professor Antonio Contreras
By Ralph Obina | Karambola