Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba hinggil sa limang (5) magkakasunod na pagyanig sa lalawigan ng Quezon.
Pinakamalakas ang naitalang magnitude 4.9 sa bayan ng Buenavista samantalang naramdaman ang intensity 4 na lindol sa bayan ng Guinayangan, intensity 3 sa bayan ng Lopez, intensity 2 sa Gumaca at intensity 1 sa Rosario at Mulanay.
Sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na normal lamang itong nangyayari dahil ang lalawigan ng Quezon ay dinadaanan ng Philippine faultline.
Ipinabatid ng Local Disaster Management Office na wala namang naitalang pinsala sa mga niyanig na lugar.
By Judith Larino