Nagpaliwanag ang China hinggil sa mga namataang Chinese ships sa Benham Rise na bahagi ng Pilipinas.
Ayon kay Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang, napadaan lamang ang ocean research sa karagatan ng Pilipinas bilang bahagi ng normal freedom of navigation at right of innocent passage.
Giit ng opisyal, wala silang ginawang anumang akribidad o operasyon sa Benham Rise.
Una rito, nababahala ang Pilipinas sa paglalayag ng mga barko ng China sa Benham Rise na ini-award ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf noong Abril ng 2012.
By Ralph Obina