Pinawi ng China ang pangamba ng ilang mambabatas na may kaakibat na “National Security Threat” ang posibleng pagpasok ng isang chinese telecom provider sa Pilipinas.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lu Kang, pina-alalahanan na nila ang mga Chinese enterprise sa ibayong dagat na sumunod sa international at domestic laws.
Sa kabila nito ay umaasa rin anya sila na marami pang bansa ang magbubukas ng oportunidad para makapag-invest sa iba’t iba nilang industriya ng mga kumpanyang mula Tsina.
Magugunitang binatikos ng minority bloc sa kamara ang posibleng pagpasok ng ikatlong telco telecom carrier mula China dahil maaari umano itong magamit sa paniniktik o espionage.
Target na masimulan ang operasyon ng ikatlong telecom carrier katuwang ang iba pang Filipino telco ngayong unang bahagi ng taong 2018.