Pinawi ng Philippine Overseas Employment Administration o p-o-e-a ang pangamba ng publiko kaugnay nang pagbaba ng bilang ng na-deploy na mga manggagawa sa ibang bansa noong 2017.
Giit ni POEA Administrator Bernard Olalia, hindi ito dapat ikabahala dahil bunga rin ito ng maraming factors tulad ng ‘saudization’.
Kung si Recruitment Consultant Emmanuel Geslani naman ang tatanungin, hindi rin aniya dapat na tingnan ito ng negatibo sapagka’t ang tinutukoy na “saudization” ay ang pagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan nito.
Una nang lumabas sa datos ng POEA na may higit 1.9 milyong OFWs ang na-deploy noong 2017 na mas mababa ng 9% mula sa deployment noong taong 2016 na higit 2.1 milyon.