Pinawi ni Oriental Mindoro Congressman Reynaldo Umali ang pangamba laban sa pagpapababa sa edad ng isang suspek na puwedeng sampahan ng kasong kriminal.
Sa harap ito ng napipintong pagpasa ng Kamara sa panukalang pagpapanumbalik sa parusang kamatayan kung saan isa sa mga krimeng papatawan ng parusang bitay ay drug trafficking.
Ayon kay Umali, nakabinbin pa rin sa Sub-committee on Correctional Reforms ang panukalang pag-amyenda sa Juvenile Delinquency Act kung saan gagawing 9 na taon ang dating 15 taon na age of discernment o edad na alam na ng isang bata ang kanyang ginagawa o ang tama at mali.
Binigyang diin ni Umali tiyak namang daraan sa matinding pag-aaral ang panukala upang mapangalagaan naman ang karapatan ng mga bata na posibleng ginamit lamang o ginipit ng mga sindikato upang gumawa ng krimen.
Bahagi ng pahayag ni Oriental Mindoro Congressman Reynaldo Umali
By Len Aguirre | Credit to: Ratsada Balita (Interview)