Pinawi ng Save the Nation Movement ang pangamba sa planong pagbuhay ng pamahalaan sa BNPP o Bataan Nuclear Power Plant.
Ayon kay Butch Valdez, Convenor ng Save the Nation Movement, napakarami nang pag-aaral ang ginawa ng mga eksperto na magpapatunay na ligtas gumamit ng nukleyar para sa power generation.
Maliban dito, wala rin anyang katotohanan ang sinasabing nasa fault line ang BNPP kaya mapanganib sakaling magkaroon ng malakas na lindol sa bansa.
Una rito, inihayag ng Department of Energy (DOE) na nagbigay na ng go signal ang Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagbuhay sa BNPP.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Butch Valdez
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas