Ibinasura ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang mga ulat ng destabilisasyon laban sa gobyernong Duterte.
Ito sa harap ng mga ulat na posibleng gamitin ng oposisyon ang pagkaka-aresto kay Senadora Leila de Lima para magsagawa ng mga pagkilos para pabagsakin ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ng opisyal na walang kinalaman ang mga protesta ng mga militante kaugnay ng selebrasyon ng EDSA People Power Revolution sa destabilization plot laban sa Pangulo.
Nanindigan si Esperon na kontrolado ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Pambansang Pulisya ang security situation sa bansa.
Sa halip aniya na patulan ang mga usapin ng umano’y destabilisasyon, mas mainam kung maghanap na lamang ng mga paraan mapaunlad ang bansa at ipaubaya sa AFP at PNP ang usapin ng seguridad ng bansa.
By Ralph Obina
*Presidential Photo