Walang ikakasang double taxation.
Tiniyak ito ng DOLE o Department of Labor and Employment kapag natuloy ang report na bubuwisan ng Saudi government ang foreign workers sa kanilang bansa kabilang ang mga OFW.
Naalarma ang mga OFW sa nasabing hakbang na ikinakasa umano ng Saudi government para makabawi sa pagbaba ng kita sa produktong langis mula noong 2014.
Saudi government
Itinanggi ng Saudi government ang report na bubuwisan ang foreign workers sa Saudi Arabia kabilang ang Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia, mismong ang Saudi Finance Minister ang nag-anunsyong pinag-aaralan pa ang pagbabawas sa sahod ng foreign workers.
Una nang ipinaabot ng mga OFW ang pangamba sa nasabing hakbang na isinusulong ng Saudi government para makabawi umano ito sa pagbaba ng kita sa produktong langis mula pa noong 2014.
By Judith Larino