Pinawi ng DFA o Department of Foreign Affairs ang pangamba na humantong sa giyera ang tensyon sa pagitan ng Iran at Saudi Arabia.
Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng Kamara, sinabi ni Special Assistant Francisco Noel Fernandez III na naniniwala silang hindi hahantong sa paggamit ng armas ang krisis sa pagitan ng mga naturang bansa.
Ayon pa kay Fernandez, hindi naman mga Pinoy ang direktang target sa iringan ng Iran at Saudi Arabia bagamat naiipit aniya ang mga ito sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Gayunman, tiniyak ni Fernandez ang ikinakasang contingency plan sakaling lumala ang sitwasyon sa rehiyon.
Bina-validate na ng DFA ang mga uubrang exit points sakaling kailangang ilikas ang mga Pinoy sa Middle East.
By Judith Larino