Kinontra ng Phivolcs ang mga kumakalat sa social media hinggil sa posibilidad na lumabas ang magma mula sa bulkang Taal sa mga cracks na lumabas sa ilang bayan sa Batangas matapos itong sumabog nuong January 12.
Ayon kay Phivolcs Director, Usec Renato Solidum, ang magma na magmumula sa bulkang Taal ay dadaan sa dati nitong dinadaanan.
Hindi anya dapat paniwalaan ang mga mapa na lumalabas sa social media na wala namang kaakibat ng interpretasyon.
Kabilang sa mga lugar na nakitaan ng maraming bitak ang San Nicolas, Lemery at Agoncillo na total lockdown na ngayon.