Pinawi ng Malacañang ang pangambang magdeklara ng state of national emergency ang Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa paglala ng kriminalidad.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sentimyento lamang ito ng Pangulo dahil tila hindi pa sapat ang pagsisikap ng pamahalaan na masugpo ang kriminalidad.
Nag-ugat aniya ang ganitong sentimyento ng Pangulo nang makita ang balita hinggil sa pagkakapatay sa buntis na Ombudsman prosecutor.
Sinabi ni Roque na bagamat nasabi ng Pangulo ang hinggil sa state of national emergency ay umiiral pa naman ngayon ang martial law sa Mindanao.
Posible aniyang ang tinutukoy na radikal na pagbabago ng Pangulo ay ang mas pinaigting nilang kampanya kontra kriminalidad.
—-