Walang dapat ikabahala sa deklarasyon ng Pertussis outbreak ng ilang lokal na pamahalaan, sa gitna ng pagtaas ng mga kaso nito.
Ito ang tiniyak ni Health Assistant Secretary Albert Domingo, at kanyang ipinaliwanag na hindi ibig sabihin ng deklarasyon ng outbreak na hindi na makontrol ang sakit.
Dagdag pa ni Assistant Secretary Domingo, ang pagdedeklara ng outbreak ay hudyat para maging alerto ang publiko.
Binigyang diin pa ng opisyal ng Department of Health na hindi kinakailangang mabahala sa Pertussis, ngunit kinakailangang maging alerto sa naturang sakit.
Batay sa tala ng DOH, umabot na sa 453 ang kaso ng Pertussis sa bansa, at umakyat na sa 35 ang patay sa nabanggit na sakit. – sa panunulat ni Charles Laureta