Pinawi ng MMDA o Metro Manila Development Authority ang pangamba na matambak ang mga basura sa Quezon City.
Kasunod ito ng nakatakdang pagsasara ng tuluyan ng Payatas dumpsite.
Ayon kay Celine Pialago, Spokesperson ng MMDA, nagtutulungan na sila ngayon ng Quezon City government para matiyak na maitatapon ng maayos ang mga basura ng Quezon City.
May inirekomenda na aniya silang bagong tapunan ng basura sa Navotas Landfill at dalawa sa Rizal.
“We are looking for long term naman po na solution, ang mga LGU naman ay they have the liberty to choose their own landfill, pero kailangan accredited ng MMDA, pero sa nangyayari kasi ngayon andaming basura ang hindi nakokolekta, we have to solve it first, kailangang matapon muna yun, mahirap na yung cleanliness at orderliness ng Quezon City ay nari-risk natin, so linisin muna natin, habang kasabay nun ay simultaneous naman yung paghahanap ng ibang landfills at alternatibong solusyon.” Pahayag ni Pialago
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas (Interview)