Itinanggi ni Education Secretary Leonor Briones na maaaring matulad sa Oplan Tokhang ang isasagawang random drug testing para sa mga estudyante sa public at private high schools.
Ayon kay Briones, nais lamang nilang mabatid kung gaano karaming estudyante sa high school ang gumagamit ng illegal drugs at hindi para tukuyin kung sino ang positibo o hindi.
Saklaw ng bagong programa tinatayang 60,000 estudyante.
Sa panayam ng programang Ratsada Balita, tiniyak din ni DepEd Undersecretary Jess Mateo na magiging confidential ang isasagawang random drug test bilang proteksyon sa mga estudyante.
“Lahat to dapat confidential, para maprotektahan ang kapakanan ng ating mga estudyante, kapag na-confirm ang makakaalam lang niyan ay syempre yung coordinator, yung magulang ng bata, yung bata at head ng school. Ang gusto nating masukat ay ang prevalence ng drugs sa mga eskwelahan, layunin din nito na paigtingin ang educational campaign natin, hindi lang sa paaralan kundi nationwide, sa radio, sa TV.” Pahayag ni Mateo
By Drew Nacino | Krista de Dios | Ratsada Balita Interview