Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng mga residente malapit sa Bulkang Bulusan kaugnay sa posibleng lahat flow matapos ang phreatic eruption kahapon.
Sinabi ni Dr. Ed Laguerta, Regional Director ng PHIVOLCS-Bicol na walang dapat ikatakot ang mga residente dahil talagang mananahimik ng ilang araw o buwan ang bulkang bulusan matapos magbuga ng abo.
Ayon pa kay Laguerta, kumuha na rin sila ng sample ng abo ng Mount Bulusan para tingnan ang komposisyon nito at makita kung mayroong pagbabago sa mga nakalipas na pagputok nito.
Kasabay nito, ipinagbabawal na ng PHIVOLCS ang pag-akyat ng hikers at turista sa crater ng bulkan at pagpasok sa 4-km permanent danger zone para maiwasan ang anumang casulaty sakaling muling magbuga ng abo ang naturang bulkan.
Clearing operation
Nagsimula nang maglinis ang lokal na pamahalaan ng Sorsogon kasunod ng pagbuga ng abo ng Mt. Bulusan kahapon.
Ayon kay Office of the Civil Defense Spokeperson Rachelle Miranda, ito ay upang iiwas ang mga motorista sa aksidente dahil sa madulas na kalsada dulot ng abo.
Ngunit nilinaw ni Miranda na wala namang evacuation na nangyari sa higit 18,000 mga residente na nakatira sa paligid ng bulkan.
By Judith Larino | Rianne Briones
Photo Credit: phivolcs