Pinawi ng Department of Agriculture o DA ang pangamba ng marami sa pagbaha ng imported na bigas sa bansa.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rice tariffication law.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, kahit pa bumaha ng sangkaterbang imported na bigas sa bansa ay hindi naman aniya ito magtatagal.
Sa ngayon ay nasa walong daang (800) milyong metriko tonelada ang kabuuang produksyon ng bigas sa buong mundo at apatnapung (40) milyong metriko tonelada lamang ang libreng inilalagay sa pandaigdigang merkado para maibenta.
Positibo rin si Piñol na walang epekto ang pagpasok ng mga imported na mga bigas sa bansa dahil na rin sa epektong idudulot ng El Niño.
—-