Pinawi ng Dagupan provincial veterinary office ang pangambang kumalat ang Bird flu virus sa mga poultry product sa Pangasinan.
Ito’y matapos mapaulat na tatlong itik sa isang farm sa bayan ng Manaoag ang namatay, noong Biyernes.
Ayon kay Dr. Eric Perez ng Dagupan provincial veterinary office, walang anumang sintomas ng Avian flu ang mga namatay na itik.
Para anya makatiyak ay kumuha sila ng blood samples mula sa mga buhay na itik sa farm at ipinadala sa Metro Manila para sa laboratory analysis na inaasahang ilalabas ang resulta sa susunod na linggo.
Samantala, pinayuhan ni Perez ang mga poultry raiser na maging alerto at agad ipagbigay alam sa mga local veterinary office ang hindi pangkaraniwang kilos ng kanilang mga alaga o kung namatay ang mga ito.