Pinawi ng PHIVOLCS ang pangamba ng publiko na puputok ang Mt. Pinatubo matapos ang pagtama ng malakas na lindol sa Luzon noong Lunes.
Ayon sa PHIVOLCS, wala naman silang nakikitang emission ng abo mula sa bulkan at wala ring indikasyon ng ash fall o aktibidad ng bulkan.
Nilinaw naman ng PHIVOLCS na ang napaulat na usok na nakita ng mga residente malapit sa bulkan ay alikabok lamang mula sa rockslide nang lumindol.
Sa kabila nito, tiniyak ng PHIVOLCS na patuloy silang nakamonitor sa galaw ng Mt. Pinatubo at iba pang bulkan sa bansa.