Pinawi ng House Committee on Justice ang pangamba na ma-railroad lamang ang impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Congressman Reynaldo Umali, Chairman ng Komite, bibigyan nila ng sapat na panahon si Magdalo Partylist Representative Gary Alejano para ipresinta at ipaliwanag ang mga alegasyon laban sa Pangulo na nakapaloob sa impeachment complaint.
Pagbobotohan sa komite kung sapat ang porma at sustansya ng impeachment case.
Sakaling lumusot ito sa dalawang panuntunan ay ilalatag ito sa plenaryo kung saan boboto ang mga kongresista kung pabor sila sa report ng komite.
Kaugnay nito ay tiniyak rin ni Umali na kanilang paglalaanan ng panahon ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na inihain ni Magdalo Representative Gary Alejano.
Ayon kay Umali, umaasa silang matatapos sa lalong madaling panahon ang mga pagdinig hinggil sa impeachment complaint, dahil marami silang mga gawain na mapipigil para mabigyang daan ito.
Hindi pa naman aniya nila iko-consolidate o pagsasamahin ang unang impeachment complaint at ang isinumiteng supplemental complaint laban sa Pangulo.
“Sa totoo lang ay naaantala yung agenda namin, oras po ang nawawala sa amin, kailangan namin gawin ito kaya gusto natin itong matapos sa lalong madaling panahon.” Pahayag ni Umali
By Len Aguirre | Katrina Valle | Karambola (Interview)
Pangambang ‘railroad’ sa impeachment vs. Duterte pinawi was last modified: May 15th, 2017 by DWIZ 882